Supporters ni Pastor Apollo Quiboloy, nagsagawa ng prayer rally sa Liwasang Bonifacio, Maynila

Nagtipon-tipon ng sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ang supporters ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ay para ipakita ang kanilang suporta sa evangelist leader na nahaharap ngayon sa iba’t ibang kaso.

Hinamon din nila na mag-resign si Senadora Risa Hontiveros.


Bago pa mag-alas dose ng tanghali kanina ay unti-unting dumagsa sa Liwasang Bonifacio ang mga taga-suporta ni Quiboloy.

Ang naturang prayer rally ay nagdulot ng bahagyang pagbagal ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Quezon Blvd.

Facebook Comments