Manila, Philippines – Personal na panunuorin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang laban ni Pambansang Kamao Senator Manny Pacman Pacquiao sa Malaysia sa laban nito sa boksingerong si Lucas Matthysse.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, pribado ang lakad na ito ng Pangulo para manuod ng boxing match pero dahil nataon naman aniya na nakausap ng Pangulo si Malaysian Prime Minister Mahatir Mohamad kagabi sa Cabinet meeting ay minarapat na ng Pangulo na harapin ang Malaysian Prime Minister sa July 16.
Paliwanag ni Roque, dahil nasa Malaysia na rin naman si Pangulong Duterte kaya isinama na sa schedule ng Pangulo ang pakikipagpulong nito sa pinuno ng Malaysia.
Una nang sinabi ni Roque na napag-usapan ng dalawang pinuno ang insurgency at ang problema sa terorismo ng dalawang bansa.