Manila, Philippines – Nagpasalamat ang Palasyo ng Malacañang sa suportang ipinarating ng Russia sa Pilipinas kaugnay sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumalas sa Rome Statute.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nagpapasalamat si Pangulong Duterte sa Russian Government at inaasahan din naman aniya nito ito dahil kapareho ang naging karanasan ng Pilipinas at Russia sa paglagda sa Rome Statute.
Matatandaan na sa pahayag ni Russian Ambassador to the Philippines Igot Khovaev ay sinabi nito na nauunawaan ng kanilang pamahalaan ang sentimyento ni Pangulong Duterte na nauwi para kumalas ang bansa sa International Criminal Court o ICC.
Inihayag din naman ni Roque na mayroon silang nakuhang impormasyon na susunod nang aatras ang South Africa sa ICC.
Matatandaan na hinikayat ni Pangulong Duterte ang iba pang bansa na bumitiw narin sa ICC dahil bastos ang mga ito.