Suppy boat ng Pilipinas, nakarating na sa Ayungin Shoal

102

Nakarating na sa BRP Sierra Madre ang mga suplay ng ating pwersang nagbabantay sa Ayungin Shoal.

Ito ang kinumpirma ni acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexi Nograles.

Ayon kay Nograles, ngayong tanghali lamang naiparating ang mga supply para sa ating mga sundalong sakay ng BRP Sierra Madre at nakaposte sa may bahagi ng Ayungin Shoal.


Matatandaan na sinabi kahapon ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi na hahadlangan ng China ang muling paglalayag ng ating supply boats.

Ito ay matapos kondenahin mismo ni President Rodrigo Duterte at maghain ng protesta ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa ginawang pagharang at pambobomba ng tubig ng Chinese Cost Guard sa dalawang supply boats ng Pilipinas kamakailan na patungo sana ng Ayungin Shoal.

Facebook Comments