Supreme Court, binasura ang nominasyon ni Guanzon bilang kinatawan ng P3PWD Party-List

Pinawalang bisa ng Korte Suprema ang Minute Resolution No. 22-0074 ng Commission on Elections (COMELEC) na nag-apruba sa post-election substitution ng nominees ng Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities (P3PWD) Party-list kabilang ang dating commissioner na si Rowena Guanzon noong 2022 elections.

Inatasan ng En Banc ng Korte Suprema ang P3PWD Party-list na magsumite ng karagdagang nominees.

Pero pinagbawalan ng Korte ang P3PWD na i-nominate uli para sa 19th Congress ang mga nominado na pinawalang-bisa na ang paghalili kung saan itinuturing na immediately executory ang nasabing desisyon.


Sinabi ng Korte na sa pamamagitan ng pagpayag sa substitution na lampas sa deadline, nilabag ng Comelec ang konstitusyonal na karapatan ng mga tao sa impormasyon.

Binigyang-diin ng Korte na mahalaga ang timing ng pagpapalit ng mga nominado dahil nakaaapekto ito sa karapatan ng mga botante na malaman ang pagkakakilanlan ng mga nominado ng party-list upang makagawa sila ng maayos na pagpili sa araw ng halalan.

Facebook Comments