Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, tinanggap na ang hiling na pangunahan ang panunumpa ni President-elect Bongbong Marcos sa Huwebes

Tinanggap na ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang hiling na siya ang magpapanumpa kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa Huwebes, June 30.

Ito ang kinumpirma ni Supreme Court Spokesman Atty. Brian Hosaka matapos na makarating na kay Gesmundo ang imbitasyon para pangunahan ang inagurasyon ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Hosaka, bagama’t ang Presidential Inauguration ay isang event ng Executive branch at hindi parte ng preparasyon ang Korte Suprema, ay tinanggap pa rin ng punong mahistrado ang imbitasyon.


Nabatid na magiging solemn, simple at traditional ang oath taking ni Marcos na gagawin sa National Museum.

Ang TV host/actress na si Toni Gonzaga ang kakanta ng Philippine National Anthem habang ang inauguration song na “Pilipinas Kong Mahal,” ay kakantahin naman ng singer na si Cris Villonco kasama ang Young Voices of the Philippines Choir.

Sa ngayon ay nasa 18,000 public safety and security forces na ang idineploy ng otoridad para magbabantay sa araw ng inagurasyon.

Facebook Comments