Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta, pormal nang nanumpa

Nanunpa na kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Supreme Court Chief Justice si Diosdado Peralta.

Sa Malacañan isinagawa ang bagong oath taking ni Peralta na ikatlong itinalaga ng pangulo bilang punong mahistrado.

Ilan sa pagdedesisyunan ng Korte Suprema sa ilalim ng panunungkulan ni Peralta ay mga kasong kaugnay sa kampanya kontra droga, pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) at ang Electoral Protest ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.


Nakatakdang magretiro si Chief Justice Peralta sa March 2022.

Facebook Comments