Supreme Court, dapat maging maingat sa pagresolba sa inihaing motion for reconsideration ng Kamara

Nanawagan si House Committee on Justice Chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro sa Korte Suprema na maging maingat sa pagresolba sa inihaing Motion for Reconsideration o MR ng House of Representatives.

Nakapaloob sa MR ng Kamara ang hiling na baligtarin ng Supreme Court ang pagdeklara nito na labag sa konstitusyon ang impeachment case kay Vice President Sara Duterte dahil sa one-year bar rule.

Paliwanag ni Luistro, na miyembro din ng House prosecution panel, isang “landmark case” ang impeachment laban sa bise presidente kaya ang magkabilang partido ay dapat na mabigyan ng sapat na pagkakataon para idepensa ang kani-kanilang posisyon.

Ayon kay Luistro, dapat tandaan na ang saligang batas ay ang pundasyon ng ating demokrasya bilang “fundamental law of the land,” habang ang impeachment ay proseso laban sa mga nagkamali at abusadong opisyal ng gobyerno.

Binanggit din ni Luistro ang integridad ng Korte Suprema, na may ekslusibong kapangyarihan para i-interpret o bigyang-kahulugan ang mga batas.

Facebook Comments