Supreme Court, naglabas ng TRO at status quo ante order laban sa COMELEC at sa kaso ng Agoo, La Union mayoral candidate

Naglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order at status quo ante order sa kaso ng nanalong alkalde ng Agoo, La Union.

Kaugnay ito ng utos ng Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division laban sa pagkansela sa proklamasyon ng nanalong kandidato na si Frank Ong Sibuma

Binigyan ng Korte Suprema ang COMELEC at iba pang respondent ng 10-araw para tumalima sa utos ng Mataas na Hukuman.


Kabilang sa respondent si Stephanie Ann Calongcagon na nakatakdang iproklama ng COMELEC bilang alkalde kapalit ni Sibuma.

Kasama rin dito ang residente ng Agoo na si Alma Panelo na nagpetisyon sa COMELEC sa sinasabing hindi pagsunod ni Sibuma sa pamantayan sa residency.

Facebook Comments