Supreme Court, naglatag na ng panuntunan para sa pagsasagawa ng video conferencing hearings

Binubuo na ng Korte Suprema ang mga panuntunan sa pagsasagawa ng video conferencing hearings.

Ito ay para matugunan ang mga isyu ng constitutionality ng video conferencing sa pagdinig ng mga kaso.

Ayon kay Chief Justice Diosdado Peralta, walang rules ang korte sa pagsasagawa ng videocon hearings maliban sa pilot testing nito sa Davao courts na pinagtibay nila noong June 2019.


Dahil dito, naglabas ng mga kautusan si Peralta na nagpapalawig sa pilot testing ng video conferencing hearing sa mga korte sa Davao.

Sinabi ni Peralta na inumpisahan na nila sa Supreme Court ang deliberasyon sa rules on video conferencing.

Isa sa mga isyu na tutugunan sa inilalatag na panuntunan sa videocon hearings ay ang karapatan ng akusado na kwestyunin o i-cross examine ang testigo.

Posible anyang bago matapos ang taon ay mailabas na nila ang mga panuntunan sa parehong civil at criminal cases.

Una nang pinayagan ng Korte Suprema ang mahigit isang libong hukuman sa bansa na magpilot test ng videocon hearings dahil sa public health crisis.

Facebook Comments