Supreme Court, pinasimple ang naturalization sa refugees at stateless persons sa bansa

Pinasimple na ng Supreme Court (SC) ang naturalization process ng mga refugee at stateless persons sa Pilipinas.

Ito ay makaraang aprubahan ng SC ang “Rule on Facilitated Naturalization of Refugees and Stateless Persons” sa en banc deliberation nito February 15, 2022.

Sa ilalim nito, papasimplehin at babawasan na ang mga legal at mga hakbang para sa naturalization ng refugee at stateless persons sa Pilipinas.


Pinapayagan din na ang electronic publication ng mga petisyon para sa naturalization.

Layon din nito na mabawasan at hind maging mabigat ang bayarin ng mga displaced people.

Magiging mabisa ang nasabing utos labinlimang araw matapos mailathala sa dalawang pahayagan.

Facebook Comments