Supreme Court, positibo na mas maraming Bar takers ang papasa para sa 2023 Bar examination

Naniniwala ang Korte Suprema, na maraming mga Bar hopefuls ang papasa ngayong taon para pa rin sa prestihiysong pagsusulit na nagsimula na ngayong araw.

Ayon kay 2023 Bar chair at Supreme Court Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, positibo umano siya para sa mga examiners na kakayanin nilang matapos ang tatlong araw na pag-take ng exam at umaasang walang aatras sa pangalawa at huling araw ng pagsusulit.

Malaki umano ang tiwala niya sa kakayahan at galing maging ang ginawang pag aaral at oras na inilaan ng mga Bar takers para lamang makapasa.


Samantala, pagtitiyak naman ni 2023 Bar chair Hernando na matatapos ang prestihiyosong pagsusulit na ito nang maayos at tiniyak na nakasuporta lamang sila sa lahat ng mga nagte-take ng exam.

Facebook Comments