Binigyan ng Lecture ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang may-ari ng Chinese Vessel na bumangga sa bangka at nag-abandona sa mga Pilipinong mangingisda sa recto bank nitong Hunyo.
Nabatid na humingi na ng paumanhin ang Chinese Shipowner at aakuin ang responsibilidad sa tinawag nilang ‘aksidente’ sa karagatan.
Pero lumabas sa apology letter na ang Reed Bank ay itinuturing nilang kabilang sa Nansha Island Group, ang Chinese name para sa Spratly Islands.
Sa statement, giit ni Carpio, na ang Reed Bank ay hindi kabilang sa Spratly Islands., tanging China lang ang nagsasabing bahagi ito sa nasabing grupo ng mga isla.
Nakasaad sa ruling ng Arbitral Tribunal noong 2016 na ang completely submerged area ang Reed Bank, na bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.