Tuluyan nang pina-disbar ng Korte Suprema si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Atty. Lorenzo “Larry” Gadon.
Ito’y sa pamamagitan na unanimous na botong 15-0 mula sa Supreme Court En Banc.
Nabatid na nakitaan ng SC ang ilang mga palabag ni Gadon matapos ang viral video nito kung saan ilang hindi magagandang salita ang binibitawan nito laban sa journalist na si Raissa Robles.
Iginiit ng Korte Suprema na ang nasabing video clip ni Gadon ay hindi makatwiran at kawalan ng respeto sa iba bilang abogado.
Ang naturang desisyon ng Korte Suprema ay bilang paalala sa ibang abogado kung saan walang lugar ang pambabastos at kawalang galang sa mga kababaihan.
Facebook Comments