Supreme Court, tumanggi munang magsalita sa planong pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Sereno

Manila, Philippines – Tikom ang bibig ng Korte Suprema sa planong pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Supreme Court Public Information Office Chief Atty. Theodore Te, hihintayin muna nila ang pormal na impeachment case na ihahain sa Kamara.

Sa oras na maisampa ang impeachment ay saka sila magpapalabas ng pahayag sa isyu.


Una nang nagbanta ang abogadong si Larry Gadon na kakasuhan ng impeachment complaint si Sereno dahil sa sinasabing pagbili ng punong mahistrado ng bullet proof luxury car na nagkakahalaga ng siyam na milyong piso gamit ang pondo ng Korte Suprema.

Maituturing kasi na betrayal of public trust ang pagbili ng nasabing klase ng sasakyan na isang impeachable offense.

Facebook Comments