SUPREMO | Paggunita sa Bonifacio Day sa Quezon City, pinangunahan ni Mayor Herbert Bautista

Quezon City – Aktibidad sa Bonifacio Monument sa Balintawak, pangungunahan ni Mayor Herbert Bautista

Pangungunahan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang aktibidad Liwasang Bonifacio sa Balintawak Cloverleaf bilang paggunita sa 154th na araw ng kapanganakan ng Supremo ng Katipunan.

Bandang alas nueve ng umaga, sasamahan ng mga city officials si Mayor Bautista sa pag aalay ng bulaklak sa Bonifacio monument.


Pangungunahan ng Honor guards mula sa QC Police District ang gun salute.

Naghanda naman ng panalangin at pang kulturang pagtatanghal ang mga estudyante ng Ernesto Rondon High School.

Kabilang sa mga nakibahagi sa aktibidad: Rep. Vincent Crisologo, QC Police District director Chief Supt Guillermo Eleazar, mga kinatawan mula sa National Historical Commission, Pugad Lawin Philippines, Inc., Rotary Club of Balintawak, Knights of Columbus, Innerwheel Club of Quezon City, Order of the Knights of Rizal, Guardians Order for Peace and Progress, Inc., Barangays Balon-Bato, Unang Sigaw, Apolonio Samson, at Balingasa.

Sa Quezon City matatagpuan ang tatlong monumento na alay kay Andres Bonifacio at sa Katipunan.
Ang mga monumentong ito ay matatagpuan sa: Tandang Sora shrine, sa Pugad Lawin, at sa Andres Bonifacio Monument sa Balintawak.

Facebook Comments