Manila, Philippines – Hindi otomatikong masisibak sa serbisyo si Supt. Lito
Cabamongan ang police officer na nakatalaga sa satellite office ng Alabang
PNP Crime Laboratory na naaktuhang nagsa shabu session sa kanyang bahay sa Las Piñas City kamakailan.
Ito ay kahit na nagpositibo siya sa drug test at napatunayang nakakaranas ng psychosis o severe mental disorder matapos ang mga examination na ginawa sa kanya ng PNP Crime Laboratory.
Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Ronald Bato Dela Rosa, kinakailangang dumaan sa tamang proseso o due process ang kaso ni Supt. Cabamongan.
Pero kung siya mismo ang tatanungin, wala na dapat due process at dapat agad na masibak sa serbisyo si Cabamongan.
Ito ay dahil nahuli ito sa aktong nagsashabu session at iba pang reklamo na may kinalaman sa kanyang trabaho.
Sa ngayon, ayon kay General Bato makalusot man sa kasong kriminal si Cabamongan, hindi siya makakalusot sa kasong administratibo dahil hindi sya papasa sa requirements ng PNP na dapat ay physically at psychologically fit ang isang police officer.