Supt. Hansel Marantan na nanguna umano sa Atimonan rubout, bibigyan ng posisyon sa PNP-HPG

Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP highway Patrol Group Chief, Police Chief Supt Arnel Escobal magkakaroon ng posisyon sa PNP-HPG si Supt. Hansel Marantan.

Supt Marantan ay ang nanguna umano sa nangyaring rubout sa Atimonan Quezon noong 2013 na ikinasawi ng 13 katao.

Ayon kay Escobal dahil hindi naman daw dismiss sa PNP si Supt. Marantan dahil sa nangyaring rubout ay itatalaga muna ito bilang office the director ng PNP-HPG.


Matatandaang si Marantan ang Deputy Intelligence Chief ng Calabarzon regional police noon at pinangunahan ang police operation laban sa grupo ng “jueteng” operator Vic Siman.

Ayon sa kanila shoot out ang nangyari pero sa imbestigasyon ng national bureau of investigation lumalabas na rubout ang nangyari.

Sa nangyari kinasuhan si Marantan at sampu pa nyang kasamahan ng mutiple murder pero nakapagpyansa nitong nakalipas na buwan ng Marso.

Facebook Comments