Supt. Marcos, hindi pa nagrereport sa kanyang tanggapan sa CIDG Region 12

Manila, Philippines – Hindi pa nagre-report sa trabaho si Supt. Marvin Marcos bilang bagong hepe ng Criminal Investigation and Detention Group sa region 12.

Ayon kay PNP Region 12 Regional Director Chief Supt. Cedric Train, ito ay kahit noong July 11 pa ang appointment paper ni Marcos.

Pagtitiyak ni Train, madaling maka-uupo sa si Marcos dahil bakante naman ang puwesto bilang CIDG Region 12 head.


Dagdag pa ni Train na sa ngayon wala pa siyang hawak na kopya ng appointment paper ni Marcos.

Hindi niya rin daw matukoy kung tuloy sa Lunes ang turn-over ceremony para kay Marcos.

Facebook Comments