Supt. Marcos, itinalaga bilang bagong pinuno ng PNP CIDG Region 12

Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP-REGION 12 , Chief Supt Cedrick Train, na si Superintendent Marvin Marcos na ang bagong hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 12.

Ito’y matapos na iutos ni Pangulong Duterte kahapon ang reinstatement ni Marcos at iba pang akusado sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Ayon Kay Train sa ngayon wala pa syang hawak ng order mula sa PNP CIDG Headquarters.


Pero nabigyan na sya nang impormasyon kaugnay dito at sa ngayon naghihintay na lamang sya ng official order mula sa Camp Crame.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments