Manila, Philippines – Naghain ng petisyon ang Philippine Airlines at Cebu Pacific para magpataw ng fuel surcharge sa kanilang pasahe o flight tickets.
Ayon kay Lance Gokongwei, presidente ng Cebu Air, ito ay dahil sa mataas na presyo ng langis at paghina ng piso kontra dolyar.
Tiniyak naman ng Civil Aeronautics Board na pag-aaralan nilang mabuti ang hirit ng mga airlines company na magpataw ng fuel surcharge.
Dati na kasing ipinatigil ang pagpapataw ng fuel surcharge sa mga airline companies noong 2015 matapos bumagsak ang presyo ng petrolyo.
Facebook Comments