Surcharge na kinokolekta ng Uber, pinaaalis na

Manila, Philippines – Pinaaalis na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Uber Philippines ang pagkolekta nito ng surcharges sa kanilang mga pasahero.

Ito’y kasunod ng mga reklamo ng mga pasahero na sobrang maningil ang Uber ng surcharge.

Pinagpapaliwanag din ang Uber, hinggil sa paniningil ng surcharge sa mga pasahero mula Dec. 7, 2016 ng walang permiso sa ahensya.


Nabatid na ang surcharge ay dinadagdag na koleksiyon ng Uber sa mga pasahero kapag papasok ng toll area, ma-traffic o may pag-ulan.

Hindi naman nilinaw ng LTFRB kung hanggang kelan ang deadline ng pagsusumite ng uber ng kanilang paliwanag hinggil dito.

Facebook Comments