Inilunsad na ng Department of Agriculture (DA) kasama ng Landbank sa Nueva Ecija ang SURE Aid o Survival and Recovery Assistance Program para sa mga rice farmers.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sa pamamagitan ng nasabing programa, lahat ng magsasaka na naapeķtuhan ng Rice Tariffication ay maaaring makautang ng P15,000 na may zero-interest, no collateral at maaaring bayaran sa loob ng 8 taon.
Sinabi naman ni Ms. Cecilia Borromeo, ang President at CEO ng Landbank, na malaking tulong ito sa kasalukuyang sitwasyon ng mga magsasaka kung saan nakikipagtulungan sila sa Department of Agriculture maging sa lokal na pamahalaan para mabilis na mapaabot ang tulong sa mga ito.
Maging ang pagproseso sa lahat ng kukuha ng SURE aid program ay mabilis na maaprubahan ng Landbank basta kumpleto lamang ang requirements na hinihingi tulad ng isang anumang government ID at notification o certification of eligibility mula sa DA.
Inihayag pa ni Ginang Borromeo na ang unang 1000 na magsasaka na nag-avail ay makukuha na ang Landbank cashcard na may PETA nang makukuha sa pagsisimula ng SURE aid program.