Surface air missiles para sa dalawang warship ng Philippine Navy dumating na sa bansa ayon sa AFP

Nasa bansa na ang dalawang surface air missiles para sa dalawang warship ng Philippine Navy na binili sa bansang France.

Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Ramon Zagala.

Aniya nasa Subic Bay International Airport sa sa Bataan ang dalawang surface air missiles na gagamitin ng mga barkong BRP Jose Rizal at BRP Antonio Luna na makakatulong para mas mapalakas pa ang kapabilidad ng bansa para idepensa ang teritoryo.


Sinabi naman ni Philippine Navy Spokesperson Commander Benjo Negranza ang binili at idineliver na mga surface air missiles ay bahagi ng Philippine Navy Acquisition Project.

Binili ito batay sa Republic Act 10349 or ang Revised AFP Modernization Program na naglalayong bumili ng mga bagong assets para mas magampanan ang kanilang mandatong protektahan ang sambayanan at ang estado.

Facebook Comments