Isang propesyonal na surfer ang kinagat ng pating na pumunta ng bar sa halip na ospital.
Kinilala ang surfer na si Frank O’Rouke, 23 anyos, na nasa Jacksonville Beach sa Florida nang kagatin siya ng pating sa kaniyang braso.
Dakong ika-3:30 ng hapon nang atakin siya ng isang pating habang nakahiga sa kaniyang surfboard. Nangyari ang pag-atake sa loob ng 30 na segundo.
Ayon sa panayam kay Frank ng First Coast News, hindi niya malilimutan ang mga sandaling iyon.
“I felt something jump out of the water and latch onto my arm by my elbow. It just grabbed onto me and thrashed in the water and swam away,” ani Frank.
Dagdag niya, maswerte siyang buo pa rin ang kaniyang braso. Makikita sa kaniyang braso ang jawline ng pating at ang kaniyang dugo sa surfboard.
Aniya, nagsu-surf na siya sa loob ng 20 na taon at marami na siyang nakitang mga pating ngunit ngayon lamang siya naatake ng isa sa mga ito.
“I’ve honestly seen a lot of sharks surfing my whole time, but I’ve never seen one that close and in that kind of aggression,” paliwanag ni Frank.
Ayon kay RJ Beger, kaibigan ni Frank, nasaksihan niya ang pangyayari ngunit hindi pumuntang ospital si Frank kundi sa bar. Nabendahan naman ang sugat ni Frank.
“He was like, ‘I got bit by a shark,’ and people were like, ‘I’ll buy you drinks,” ani Berger.
Babalik naman si Frank sa dagat upang mag-surf kapag gumaling na ang sugat nito.