Patuloy ang paghahanda ng iba’t-ibang ahensya sa nalalapit na pagdaraos ng inaabangang Surfing Break sa La Union ngayong taon.
Nakalinya na ang mga aktibidad na magsisimula sa Bacnotan kung saan gaganapin ang Cultural Show, Coastal Clean Up, Beach Volleyball, Surfboard Painting Competition, at Libreng Surfing Clinic simula October 24.
Gaganapin naman sa bayan ng San Juan ang sentro ng selebrasyon na Local Surfing Competition, Arts Fest at Afro Latin Festival na magtatagal mula October 21 hanggang November 2.
Tiniyak ng mga lokal na tanggapan ang pinaigting na koordinasyon para sa kaayusan ng aktibidad at kaligtasan ng mga dadalo dahil sa magkasabay na pagdaraos nito sa Undas.
Noong nakaraang taon, itinaas sa high alert ang PDRRMO dahil sa parehong dahilan kung kailan higit dinagsa ang mga baybayin ng mga turista na nagsiuwi dahil sa Undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









