Matapos ang dalawang taong paghihintay dahil sa pandemya, naumpisahan nang naibalik ang surfing activities sa La Union noong nakaraang October 7, 2022 sa pangunguna ng La Union Provincial Tourism Office (LUPTO).
Ayon sa kanilang Tourism Office, ang nasabing aktibidad ay gaganapin sa apat na bayan sa loob ng buwan ng Oktubre.
Ito ay ang bayan ng Agoo, Caba, Bacnotan at San Juan.
Ito ay para masimulan na ang pag-promote at pag-recover ulit ng lokal na ekonomiya ng nasabing syudad.
Pinangunahan ng La Union Surf Club ang mga surfing activities at lessons.
Ayon sa kanila, layunin nitong bigyang kapangyarihan ang mga lokal at turista sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga wastong pamamaraan at kasanayan sa surfing.
Nakilahok din ang “food fair” local entrepreneurs upang makapagbahagi ng mga pagkaing probinsya at matikman din ng mga turista ang mga pagkaing lokal. |ifmnews
Facebook Comments