Nababahala si Vice President Leni Robredo sa pagsipa ng COVID-19 cases sa Metro Manila.
Sa kanyang pagbisita sa Iloilo, sinabi ni Robredo, walang kasiguraduhan kung kailan darating sa bansa ang susunod na supply ng mga bakuna lalo na at nagpapatuloy ang immunization program ng pamahalaan.
Iginiit ni Robredo na kinakaharap ng bansa ang kakulangan sa supply ng bakuna.
Kailangan aniyang mapaigting ang pagpapabakuna dahil ito lamang ang paraan para mabago ang mga pagtaya hinggil sa COVID-19 cases.
Batay sa bagong projection ng OCTA Research Group, aabot sa 11,000 ang daily new cases pagsapit ng katapusan ng buwan at maaari pa itong lumobo sa 18,000 sa Abril.
Facebook Comments