Tumataas ang COVID-19 cases sa bansa resulta ng mababang pagtalima ng publiko sa minimum health standards, pagtaas ng kanilang kumpiyasa sa bakuna at pagkalat ng bagong variants.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagkakaroon ng surge ng COVID-19 cases dahil sa hindi pagsusuot ng publiko ng face masks, pagkalat ng mas nakakahawang variants at mga superspreader events.
Aminado si Roque na napapagod na ang mga tao sa quarantine pero dapat ding isipin na para rin ito sa kanilang kaligtasan.
Nagiging kampante rin ang publiko dahil sa pagdating ng mga bakuna.
Sa kabila nito, paalala ng Malacañang sa lahat na dapat pa ring mapagbantay sa lahat ng oras laban sa COVID-19.
Facebook Comments