Surge ng COVID-19 cases, hindi bunga ng workplace contamination – DOLE

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na walang datos na nagpapatunay na ang surge ng active COVID-19 cases ay bunga ng viral transmission sa workplaces.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, wala pa silang natatanggap na report na nagkakaroon ng COVID contamination o transmission sa mga opisina at iba pang workplaces.

Aniya, mahigpit na ipinatutupad ang health protocols sa mga opisina.


Bukod dito, regular na nag-iinspeksyon ang occupational safety and health inspectors sa mga establisyimento.

Nitong March 3, pinirmahan ng DOLE ang kautusan na nagtatakda ng guidelines sa proper workplace ventilation at public transportation para mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Facebook Comments