Surge ng COVID-19 cases, hindi dapat isisi sa pamahalaan – OCTA Research

Umapela ang OCTA Research Team sa lahat ng sektor na magkaisa para mapigil ang surge ng COVID-19 cases sa halip na isisi ito sa pamahalaan.

Ayon kay OCTA Research Fellow Professor Ranjit Rye, hindi ito panahon para magturuan kung sino ang sisisihin sa paglobo ng mga kaso.

Iginiit ni Prof. Rye ang kahalagahan ng Bayanihan sa panahong ito lalo na at seryoso pa rin ang banta ng virus.


Dapat pagtuunan ang surge dahil ito ang pinakamalaking concern na kailangan ng agarang aksyon.

Mahalaga ring pagbutihin ang mga sistema kabilang ang pagtatatag ng Center for Disease Control sa bansa na naka-focus sa surveillance, monitoring, at epidemya.

Hindi mabubuksan ang ekonomiya at hindi masisimulan ang new normal walang management sa transmissions.

Kailangan ding palakasin ang testing, tracing, at isolation lalo na at ang isolation ang pinakamahinang bahagi ng sistema.

Importante rin ang biosurveillance na dapat bahagi ng national priority.

Facebook Comments