Wala pa ring nakikitang senyales ang OCTA Research team na bababa ang surge ng COVID-19 cases sa Metro Manila.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Butch Ong na posible pa ring maabot ang 25,000 na mga bagong kaso sa susunod na linggo at tinatayang aabot sa 30,000 sa katapusan ng Setyembre.
Naniniwala naman si Ong na bababa ang mga kaso sa Metro Manila sa ikalawa o ikatlong linggo ng Setyembre dahil sa pagbaba ng reproduction number o bilang ng mga nahahawa.
Sa ngayon, nangunguna pa rin sa top areas ang Metro Manila at Calabarzon na may higit 4,000 kaso, at Central Luzon na may higit 2,000.
Facebook Comments