Surge ng COVID-19 cases sa Visayas at Mindanao, ‘manageable’ – Treatment Czar

Nananatiling “manageable” ang surge ng COVID-19 cases sa Visayas at Mindanao.

Partikular na tinukoy ng Department of Health (DOH) ang Western Visayas, Negros Oriental, Dumaguete, Northern Mindanao, Western Mindanao, Southern Mindanao, at Caraga na nagkakaroon ng pagtaas ng virus infections.

Ayon kay DOH Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, kailangan pa rin sundin ang minimum health standards at palakasin ang vaccination efforts para mabilis na maabot ang herd immunity.


Bagamat pumasok na ang ilang COVID-19 variants sa bansa, importanteng protektahan ang mga sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health standards.

Ang DOH ay nagpadala na ng 10,000 health workers sa mga nasabing lugar.

Nagtayo na rin ng field modular hospitals sa Zamboanga para alalayan ang mga intensive care units sa lugar.

Facebook Comments