Surge pricing consultation sa TNVS, isasagawa ng LTFRB

Magsasagawa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ng public consultation kaugnay ng surge pricing o biglaang pagtaas ng pamasahe sa Transport Network Vehicle Services o TNVS lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan na inaasahan ang pagbuhos ng mga pasahero.

Una rito, umapela ang isang advocacy group laban sa sinasabing sobra-sobrang singil ng ilang TNVS drivers kapag sasapit ang holiday season na nagdudulot ng dagdag pasanin sa mga commuter.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza II, mahalagang magkaroon ng patas, makatarungan at makataong patakaran para sa publiko.

Aniya, sa pamamagitan ng konsultasyong ito ay masisiguro ang balanseng pagtrato sa kapakanan ng mga pasahero at ng TNVS stakeholders.

Pinadadalo ng LTFRB ang mga kinatawan ng TNVS para ilahad ang kanilang opinyon, suhestiyon at mga hinaing kaugnay ng umiiral na fare system.

Facebook Comments