Surigao City Police Station kinilala bilang best performing city police station sa Caraga region

Surigao City Police Station kinilala bilang best performing city police station sa Caraga region Inihayag ng Chief of Police Supt. Jay Baybayan, isang karangalan ang tinanggap nilang Award lalo na ang pagkilala na simula noong Marso hanggang Hunyo, sila ang may pinakamaraming operasyon sa illegal na droga sa kampanya sa Oplan Double Barrel Reloaded. Tinukoy nito na naging matagumpay ang kampanya sa tulong ng mga stakeholders gaya ng lokal na pamahalaan, pampubliko at pribadong sektor, media at iba pa. Ang naturang Award na tinanggap mula sa PNP Regional Director Gen. Rolando Felix ang magsisilbing inspirasyon pa sa pagpapalakas ng kampanya sa illegal na droga.

Sent from my iPhone

Facebook Comments