Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang magnitude 4.9 na lindol na tumama sa Surigao del Norte, Miyerkules ng gabi.
Naitala ang pagyanig alas-7:09 ng gabi at natunton ang episentro nito sa 56 kilometro Hilagang Silangan ng bayan ng Burgos, Surigao del Norte.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol o dulot ng paggalaw ng isang aktibong fault sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks.
Facebook Comments