Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 6.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Surigao del Norte alas-11:16 Biyernes ng gabi.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 38 kilometro ng hilagang-kanluran ng bayan ng Burgos.

May lalim itong labing-anim na kilometro at tectonic ang pinagmulan.


Naramdaman naman ang Intensity V sa Burgos, Surigao del Norte, Surigao City at Dinagat Island.

Intensity IV sa Butuan City; Abuyog, Leyte, Hinunangan, San Francisco, San Rocardo, Tacloban City sa Southern Leyte.

Habang Intensity II ang naramdaman sa Camiguin Island.

Naitala naman ang instrumental Intensity III sa Palo, Leyte; Borongan City; Cebu City at Gingoog City.

Instrumental Intensity II sa Argao City at instrumental Intensity I sa Alabel, Sarangani; Cagayan de Oro City; Cebu City; San Francisco, Cebu at Ormoc City.

Dahil dito, asahan na ang aftershocks dulot ng pagyanig.

Facebook Comments