Surigao del Sur 1st district Rep. Prospero Pichay, hinatulang guilty sa 3 counts of graft

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si Surigao del Sur 1st district Rep. Prospero Pichay sa 3 counts of graft.

Kaugnay ito sa maling paggamit sa mahigit P780 million na pondo ng Local Water Utilities Administration (LWUA) noong nagsisilbi siya bilang chairperson nito.

Batay sa desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division, pinayagan nina Pichay at dating lwua financial service head wilfredo feleo jr. ang pagbili ng 445,377 shares ng Express Savings Bank Incorporated (ESBI) na nagkakahalaga ng P80 million.


Habang idineposito naman ang pondo ng LWUA na nagkakahalaga ng P700 million sa ESBI kahit kinakailangan pa itong aprubahan ng Monetary Board, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Finance (DOF), at Office of the President (OP).

Dahil diyan, Sinentensiyahan ng anti-graft court sina Pichay at Feleo ng anim hanggang sampung taon ng pagkakakulong para sa bawat isang graft conviction.

Bukod sa pagkakakulong, habangbuhay na rin silang hindi na papayagang tumakbo sa anumang public office.

Facebook Comments