Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang bayan ng Bayabas, Surigao del Sur kaninang madaling araw.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na 65 kilometro.

Ang episentro ay naitala 14 na kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Bayabas, Surigao del Sur na may lalim na 65 kilometro.


Naramdaman ang Intensity 4 sa Bislig City, Cagwait at Hinatuan sa Surigao del Sur.

Intensity 3 naman ang naitala sa Surigao City.

Asahan ang pinsala sa istraktura at aftershocks.

Facebook Comments