Surprise inspection sa mga presinto, gagawin ng bagong PNP Chief

Magsasagawa ng surprise inspection si bagong Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa mga presinto.

Ito ang inihayag ni Eleazar sa kanyang unang press conference bilang PNP Chief.

Aniya, kung ano ang sinimulan niya sa National Capital Region Police Office (NCRPO), ipagpapatuloy niya ito sa nasyonal.


Kaya naman pinaghahanda ni Eleazar ang mga police commander sa surpresang inspeksyon.

Ayon kay Eleazar, sa ilalim ng kanyang liderato, ipatutupad ang ICP o Intensified Cleanliness Campaign.

Kailangan aniyang malinis ang lahat ng mga presinto, hindi mapanghi at alerto ang mga tao.

Kung may paglabag, paiiralin niya umano ang 2-strike policy.

Ibig sabihin tatanggalin sa pwesto ang mga PCP commander na may dalawang pagkakamali.

Ito aniya ay bahagi ng command responsibility kung saan sisibakin ang mga Chief of Police kapag may dalawa silang PCP commander na sinibak sa pwesto.

Bago nito, regular na nag-iikot ang mga tauhan ng Internal Affairs Service sa mga presinto para magsagawa ng checking.

Facebook Comments