SURPRISE DRUG TEST, ISINAGAWA SA MGA KAWANI NG LGU BAYAMBANG

Isinagawa ang surpresang drug test sa mahigit isang libong kawani ng lokal na pamahalaan ng Bayambang matapos ang flag ceremony kahapon, Disyembre 15, sa Balon Bayambang Events Center.

Katuwang ang Philippine National Police (PNP) Bayambang at Rural Health Unit (RHU), ang aktibidad ay bahagi ng programa ng lokal na pamahalaan upang tiyakin na malinis sa ipinagbabawal na gamot ang lahat ng empleyado at opisyal, at mapanatili ang produktibong serbisyo sa mga mamamayan.

Pinangunahan ang pagsusuri ng mga staff ng RHU, habang sinigurado ng PNP ang maayos na daloy ng aktibidad.

Tanging ang mga awtorisadong tauhan at ang mga empleyadong sumailalim sa test ang makakakita ng resulta, alinsunod sa mga batas sa privacy.

Ang mga empleyadong pumasa sa pagsusuri ay magpapatuloy sa kanilang tungkulin, samantalang ang makakakuha ng positibong resulta ay makakatanggap ng naaangkop na penalty at pagkakataong sumailalim sa rehab ayon sa mga patakaran ng gobyerno.

Facebook Comments