SURPRISE DRUG TEST SA LAHAT NGEMPLEYADO NG POSO BAYAMBANG ISINAGAWA; TATLO MULA SA HIGIT 200 NA EMPLEYADO,NAGKAPROBLEMA

Nasorpresa ang lahat ng empleyado ng Public Order and Safety Office ng Bayambang sa ginawang surprise drug test ng ahensiya bilang pagpapaigting ng kampanya nito sa maayos na serbisyo publiko.

Sa kabuuang 230 na bilang ng empleyado na dumaan sa drug test ay lumabas na tatlo dito ang nagkaproblema.

Ang pagsasagawa ng hakbang na ito ay kasabay ng isinagawang general meeting ng ahensiya at ang kauna-unahang clean-up drive kung saan dumalo ang lahat ng mga empleyado at ipinakita ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga ng mga ito hindi lang sa pagpapatupad ng batas kundi pati na rin sa pagbibigay-serbisyo.


Sa huli, ipinaliwanag ang mission at vision ng POSO, ang bagong organizational chart kung saan nakapaloob ang mga bagong hinahawakang posisyon at gampanin ng mga lider ng opisina.

Ipaliwanag din ang gampanin sa mahusay na estratehiya sa pagbabantay sa mga kakalsadahan ng buong bayan ng Bayambang.

Facebook Comments