Manila, Philippines – Nakatakdang magpulong bukas (June 11) ang mga opisyal ng Dept. of Education (DepEd) at ang lider ng Metro Manila Police Force para talakayin ang ipinapanukalang surprise inspection sa mga bag at locker ng mga estudyante bilang bahagi ng kampanya kontra ilegal na droga.
Ayon kay National Capital Region POLICE Office (NCRPO) Director, C/Supt. Guillermo Eleazar – magkakaroon ng meeting kasama ang DepEd officials sa kanyang opisina sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, alas-4 ng hapon.
Ani Eleazar – Layunin aniya ng surprise inspection ay protektahan ang mga estudyante sa iligal na droga.
Una nang tinutulan ni DepEd Sec. Leonor Briones ang panukala at sinabing may ibang paraan naman na pwedeng gawin para matukoy ang isang estudyanteng gumagamit o nagbebenta ng iligal na droga.