‘Surprise Inspection’, Isinagawa ng DTI Isabela!

*Ilagan City, Isabela-* Nagsagawa ng inspeksyon kaninang umaga ang tanggapan ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela sa ilang mga hardware sa mga Brgy. na sakop ng Lungsod ng Ilagan.

Pinangunahan ni Enforcement Officer Elmer A. Agorto ng DTI Isabela ang pag-inspek sa kalidad at brand ng mga steel bars sa mga establishimento kung ito ba ay papasa sa Philippine National Standard (PNS) at Import Commodity Clearance (ICC).

Ayon kay Ginoong Agorto, pasado aniya sa kanilang standard ang mga ibinebentang produkto ng mga hardware owners.


Ikinatuwa naman nito ang naging resulta ng kanilang isinagawang inspeksyon.

Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang pagsisiyasat ng DTI na layong mapanatili ang kaligtasan ng mga mamimili.

Facebook Comments