Tinututukan ang sistematikong operasyon ng Binmaley Public Market sa pagsasagawa ng surprise ng visit ng lokal na pamahalaan.
Bahagi ito ng hakbang upang mapanatili ang kaayusan sa lugar at matiyak na sumusunod ang lahat ng residente partikular sa mga negosyante at mamimili.
Isa rin sa daing na patuloy na maisaayos ay ang itinalagang parking space para sa mga mamimili, entrance at exit points ng mga sasakyan, maging ang nararapat na pwesto ng mga tricycle driver.
Matatandaan na unang nilinisan at inayos ang pamilihang bayan noong Hulyo matapos ang hindi organisadong operasyon na dinadaing na rin ng ilang mamimili.
Bukod dito, isa pang dinulog na suhestiyong matutukan ang overpricing sa mga bilihin dahilan umano para magpunta na lamang sa ibang pamilihang bayan ang mga mamimili.
Hiling din ng ilan na mapatunayan ang koneksyon ng mahal umanong renta at iba pang bayarin upang maka pwesto ang mga manlalako sa presyo ng kanilang kalakal.
Samantala, nanindigan naman ang lokal na pamahalaan na iimbestigahan ang isyu at ipagpapatuloy ang pagpapanatili ng kaayusan sa lugar.
Facebook Comments









