Surprise random drug test, isinagawa ng LTO sa mga tsuper sa PITX

35 bus drivers sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang isinalang sa random drug testing ng Land Transportation Office (LTO).

Isa sa mga tsuper ng bus ang nagpositibo sa drug test.

Ayon kay Jason Salvador, Corporate Affairs and Government Relations Director ng PITX, kinumpiska ang lisensya ng nasabing driver at hindi siya papayagang makapagmaneho hanggang hindi nabibigyan ng clearance ng LTO.


Ang biglaang drug testing sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan sa PITX ay regular na isinasagawa para matiyak na ligtas ang mga pasahero.

Bukod sa drug testing, kasama rin ang alcohol test sa isinasagawa ng LTO sa PITX gayundin ang pag-inspeksyon sa mga sasakyan para masuri kung nasa maayos na kondisyon ang mga ito sa pagbiyahe.

Facebook Comments