Surprise visit, hiniling ng ilang ahensya sa CSC

Kinumpirma ni Civil Service Commission Commissioner Aileen Lizada na ilang kalihim ang humiling ng sopresang pagbisita sa iba pang ahensya ng pamahalaan.

Kasunod na rin ito ng serye ng pag-iinspeksyon ng CSC sa mga tanggapan ng gobyerno.

Ayon kay Lizada, hiniling ng ilang kalihim na isama ang kani-kanilang tanggapan sa listahan ng mga pupuntahan ng komisyon.


Aniya, naniniwala ang mga ito na malaking tulong ang CSC para mapalakas pa ang serbisyong publiko.

Giit ni Lizada, sa loob lang ng anim na araw ay nabisita na nila ang limang CSC Regional Offices, anim na lokal na pamahalaan at 48 national government agency.

Facebook Comments