
Ipinasasailalim sa background check ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lacson ang “surprise witness” sa pagdinig nitong Huwebes na si dating Philippine Marines Technical Sergeant Orly Regala Guteza.
Humarap kasi itong si Guteza sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa mga maanomalyang flood control projects nang walang abiso man lang sa Blue Ribbon Committee.
Bukod dito, ang abogado na nakasaad ay itinanggi na siya ang nagnotaryo, lumagda, at tumulong sa paghahanda ng dokumento ng sinumpaang salaysay ni Guteza.
Iniutos na ni Lacson ang kumpletong record check at background investigation kay Guteza lalo’t mabigat at seryoso ang mga inilahad nito sa pagdinig.
Si Senator Rodante Marcoleta na dating Chairman ng Blue Ribbon Committee ang nagharap kay Guteza sa pagdinig at aniya, ipinakilala ito sa kanya ni dating Cong. Michael Defensor.
Sa testimonya ni Guteza ay inamin nitong naghahatid sila ng mga maleta na naglalaman ng “pera” na ang tawag nila ay basura at ito ay dinadala sa bahay umano nina Co at dating Speaker Martin Romualdez.









