SURRENDER | 3 NPA, sumuko sa militar sa South Cotabato

South Cotabato – Tatlong miyembro ng New Peoples Army ang sumuko sa tropa ng 27th Infantry Batallion ng Philippine Army sa Barangay Maan T Boli South Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga sumukong teroristang NPA na sina Rolly Bab Varonia alyas Agel, 19 anyos, Dennis Munday Jamora alyas Jojo, 22 anyos at Rustom Milog Wanday alyas Payday, 19 anyos mga residente ng Barangay Mongokayo, T’boli, South Cotabato.

Isinuko rin ng mga suspek ang kanilang tatlong M16 rifles.


Nitong June 2 lamang dalawang NPA terrorist rin ang sumuko sa 27IB, ibinaba rin ng dalawang NPA ang kanilang mga armas.

Sinabi naman ni Lt Col Jones Brisal Otida 27IB Commander na karamihan pa rin sa mga NPA members ay napapaniwala ang sa propaganda ng Communist Party of the Philippines New Peoples Army pero hindi aniya tumitigil ang militar upang hikayatin ang mga ito na sumuko sa gobyerno.

Simula buwan ng Enero nang taong kasalukuyan 335 na mga miyembro ng NPA na ang sumuko sa 10th Infanrty Division ng Philippine Army.

Facebook Comments