“Surrogacy Case” ng mga Pinay sa Cambodia, pinasisilip ng isang senador

Pinaiimbestigahan ni Senator Risa Hontiveros sa Senado ang napaulat na kaso ng mga Pilipinang nasagip sa Cambodia na ginawang “baby-maker” o surrogate mothers.

Sa Senate Resolution 1211 na inihain ni Hontiveros, inaatasan niya ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na kanyang pinamumunuan na silipin ang human trafficking case na ito sa mga Pinay sa abroad na bahagi ng infant trafficking scheme.

Nasa 20 Pilipina ang nasagip ng mga Cambodian police sa Kandal province na ginagamit para sa surrogacy o pagbubuntis para sa anak ng iba.


Sa bilang na ito, 13 ang nagbubuntis ngayon habang ang pito ay nakatakdang i-repatriate pabalik ng Pilipinas.

Ang mga Pinay ay na-recruit online at karamihan pa sa mga ito ay batid kung ano ang papasuking gawain sa abroad.

Nauna namang nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) tungkol sa bagong human trafficking scheme na tuma-target ngayon sa mga Pinay.

Facebook Comments